What's on TV

Paul Salas, Martin del Rosario, Rocco Nacino, bahagi rin ng season 2 ng 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published October 29, 2024 12:30 PM PHT
Updated November 5, 2024 11:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Paul Salas, Martin del Rosario, Rocco Nacino


Bahagi rin ng season 2 ng 'Lolong' ang Kapuso stars na sina Paul Salas, Martin del Rosario, Rocco Nacino.

Mas lumaki pa ang cast ng number one adventure serye na Lolong sa dambuhalang pagbabalik nito sa Philippine primetime.

Tatawaging Lolong: Bayani ng Bayan ang pangalawang season nito at pagbibidahan pa rin ito ni primetime action hero Ruru Madrid.

"Finally, this is it. Puwede na nating i-announce na magbabalik na ang dambuhalang serye na Lolong. I'm just very grateful dahil nabalitaan ko rin na 'yung mga makakasama ko sa bagong yugto ng Lolong ay talagang mga de kalibreng mga artista," pahayag ni Ruru sa cast reveal at story conference ng Lolong: Bayani ng Bayan kamakailan.

Magbabalik sa programa si Paul Salas na bahagi rin ng unang season para muling bigyang-buhay ang karakter na si Martin, ang kapatid ni Lolong.

Ayon kay Paul, dapat daw asahan ang mga malalaking pagbabago sa kanyang karakter at sa istorya ng serye.

"Level up and I think gusto ko pong sabayan si Ruru. Nag-usap na kami recently na gusto niya ng action. Physically, mag-level up kami. Mentally, mag-level up kami," lahad niya.

Bagong miyembro naman ng cast si Kapuso actor Martin del Rosario na gaganap bilang isa sa mga kontrabida sa bagong kuwento ng show.

"Actually, nagre-ready na nga ako eh. Nagpapatubo ako ngayong ng mustache kasi inisip ko kailangan kong magmukhang rugged. Medyo feminine 'yung features [ko] so mas maganda 'yung mas mukhang matapang," bahagi ni Martin.

Isa rin si Kapuso leading man Rocco Nacino sa mga karagdagang aktor para sa season 2 ng programa.

Isa siya sa mga actor na mahilig sa contact sports tulad ng jiu-jitsu kaya masaya siya na maging bahagi ng isang maaksiyong serye.

"I'm very excited. Matagal ko na 'tong inaabangan, something with action. Kanina, binulong ko kay Ruru [na] anything na kailangan niya when it comes to training and martial arts, lahat ng alam ko, ituturo ko sa kanya," pahayag ni Rocco.

KILALANIN ANG CAST NG 'LOLONG: BAYANI NG BAYAN' SA GALLERY NA ITO:

Samantala, panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Abangan din ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, soon on GMA Prime.