
Sasabak sina real life couple Paul Salas at Mikee Quintos sa isang masayang laro sa The Boobay and Tekla Show.
Related content: Mikee Quintos and Paul Salas's kilig moments
Maglalaro sina Paul at Mikee ngayong Linggo ng “Inuman Quiz” kasama sina Boobay at Tekla.
Bago ito, susubukan ng Kapuso couple at comedy duo na pigilan ang kanilang pagtawa sa opening segment na “Bawal Tumawa Newscast.”
Ibabahagi rin nina Paul at Mikee ang limang uri ng taong makikilala mo sa mga party sa “TBATS Top 5.”
Samantala, isang Kapuso hunk ang magiging biktima ng prank ni Paul. Sino kaya ito?
Abangan ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (December 31), 9:45 p.m., sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho at bago ang Kapuso Countdown to 2024. Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at Kapuso Stream.