
Napasabak sa ilang relationship questions si Paul Salas sa latest vlog ni Mikee Quintos.
Sa final part ng "Who Knows Me Better?" video ni Mikee, may ilang mga tanong siya tungkol sa kanilang relasyon ni Paul. Inalam niya ang mga sagot habang naka-polygraph test si Paul.
PHOTO SOURCE: YouTube: Mikee
Unang tanong ni Mikee kay Paul, "Do you have any regrets?"
Sagot naman ni Paul kay Mikee, "Yes."
Paliwanag ng Kapuso actor, "'Yung mga paghihirap natin. Siyempre, hindi naman nakikita ng mga tao. Ang nakikita nila okay na tayo, happy na tayo."
Sunod naman na tanong ni Mikee, "Sure ka na ba and do you see me as a future wife?"
Ninenerbyos na sagot ni Paul sa kanyang girlfriend, "Yes, siyempre, sa sure hindi pa. Pero, if I see you as a future wife, yes."
Alamin ang naging resulta sa polygraph test sa sagot ni Paul.
BALIKAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA PAUL AT MIKEE DITO: