
Edad na anim na taon unang natikman ni Paul Salas ang buhay artista. Ito ay matapos siyang sumali sa reality-based artista search na StarStruck.
Naging topic sa ginanap na blogcon ng Artist Center ngayong February 26 ay ang pagiging daan ng reality shows na maka-discover ng mga bagong artista. Dahil dito ay binalikan ni Paul ang kanyang naging simula sa StarStruck Kids at kung bakit siya masaya sa pagsali rito. Kaugnay nito ay ang payo ng Kara Mia actor sa mga nangangarap na pasukin ang mundo ng showbiz.
"Sa mga magdi-decide na sumali talaga sa reality show po, hindi nila pagsisisihan na sasali sila doon... tulad ng StarStruck na magkakaroon na ngayon."
Dagdag pa ni Paul, excited umano siyang makatrabaho ang susunod na batch na sasali sa StarStruck.
"Good luck sa mga sasali. Ready na kami na makatrabaho kayo."