GMA Logo Paul Salas
Source: paulandre.salas (IG)
What's Hot

Paul Salas, nag-reminisce sa kanyang child star days

By Marah Ruiz
Published September 25, 2025 4:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Livestream: May 17, 2026
Ashley Rivera shares first Hyrox race experience
NBI, PNP enter steel mill firm in MisOr; workers stage rally

Article Inside Page


Showbiz News

Paul Salas


Nag-reminisce sa kanyang child star days si Paul Salas matapos mag-perform kasama ng isang special guest.

Napa-reminisce si Kapuso actor Paul Salas tungkol sa kanyang mga karanasan bilang child star kamakailan.

Ito ay matapos ang isang performance sa Quezon kung saan nakasama kasi ang child performer na si Aljon Banaira.


Magkasama silang sumayaw sa kantang "Toxic" ng popstar na si Britney Spears.

Ibinahagi ni Paul ang isang maikling clip ng kanilang performance sa kanyang Instagram account.

Lubos daw siyang napahanga ni Aljon dahil sa galing nito sa pagsayaw.

"He deserves the spotlight, magaling na bata! “Aljon Banaira” Aka Young Swaggy ," panimula ni Paul sa caption ng kanyang post.

Bukod dito, binalikan din niya ang sariling karanasan bilang isang batang mahilig magsayaw.

"Daming bumalik na flashback sa utak ko habang nangyayare ito, 8 year old Paul Salas na walang pake sumampa lang ng sumampa sa stage at makasayaw lang din! Thank you Lord sa mga gantong memories," pagbabalik-tanaw niya.

Umaasa din daw si Paul na tulad niya, marami pang magiging pagkakataon si Aljon na magtanghal at makapagpasaya ng ibang tao.

"Eto ang ibig sabihin ng entertainment, makapag bigay saya at alala sa mga nanonood at lalong lalo na sa nag pe perform ," pagatapos ng kanyang post.

A post shared by Paul Swaggy (@paulandre.salas)


Masaya naman si Aljon na muling makatrabaho ang kanyang kuya Paul na itinuturing niya bilang idolo.

Matatandaang co-stars sila sa pangalawang season ng hit action-adventure series na Lolong.

A post shared by Aljon Christoff Banaira (@aljonmemot)


Bago sumalang sa stage, magkasama sina Paul at Aljon na gumawa ng video kung saan sumayaw sila sa awit na "Fine Shyt" mula sa R&B singer na si Vedo.

A post shared by Aljon Christoff Banaira (@aljonmemot)


Busy ngayon si Paul sa pagpe-performs sa iba't ibang lugar bilang ang kanyang singer alter ego na si Paul Swaggy.

Sa ilalim ng bagong stage name na ito, naglabas siya kamakailan ng hip-hop single na pinamagatang "Tonight" kasama ang rap act na Two Goods.

Bukod sa kanyang musical explorations, may bagong business venture si Paul.

Kamakailan ay pumasok siya sa agribusiness partnership sa isang dragon fruit farm sa Bulacan.