Celebrity Life

Paul Salas, personal na nakausap ang babaeng inagawan niya ng upuan

By Marah Ruiz
Published July 1, 2025 2:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gasoline prices up by P1.20 on Tuesday, Dec. 9, 2025
Michelle Dee elevates casual outfit with designer bag
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Paul Salas


Alamin ang mensahe ni Paul Salas para sa babaeng inagawan niya ng upuan sa isang performance niya sa Palawan.

Viral ngayong si Kapuso actor Paul Salas dahil sa isang performance niya sa Palawan.

Habang nagpe-perform kasi si Paul, may babaeng lumapit at nagpa-picture sa kanya.

Pinaunlakan naman ito ng aktor at ipinagpatuloy ang kanyang pag-awit.

Pero nang bumalik ang babae sa kanyang upuan, bigla itong natumba dahil kinuha na pala ni Paul ang silya niya.

Hindi ito napansin ni Paul na ginamit ang upuan para tuntungan at mas makita siya ng iba pang manonood sa venue.

"Alam ng mga napuntahan kong provinces 'yan--lumalapit ako sa tao tapos umaangat ako sa monobloc. Nagbigigay kasi ako ng jacket ko, ng mga necklace na suot ko," paliwanag niya tungkol sa viral moment na ito.

Nalaman na lang daw niya ang tungkol sa pagkakatumba ng babaeng nagpa-picture sa kanya nang may ilang taong mag-tag sa kanya sa viral video na ito.

"Hindi ko alam na upuan niya 'yun kasi nga tumayo siya. Naka-ear monitor pa ko noon so wala talaga 'kong naramdamang anything," paggunita ni Paul.

Personal namang nakausap ni Paul via Zoom ang babae sa video na si Katrina Lopez.

Ayon kay Katrina, positive moment daw ito para sa kanya kaya ibinahagi pa niya ito sa sarili niyang social media accounts.

"Unexpected na pangyayari po 'yun. [Ginawa] ko na lang po na maging positive ang lahat po noon. Salamat din kay sir Paul kasi napasaya niya po kami," lahad niya.

Hindi pinalampas ni Paul na humingi ng paumanhin kay Katrina dahil sa nangyari.

"Unang una, madame, sorry. Sorry, hindi ko napansin talaga. Kaya mga Kapuso, nako, itigl na 'yung pangba-bash din sa aming dalawa. Good vibes na lang. At for sure, ma'am, sana napasaya naman at makabalik naman ako diyan para makabawi naman ako sa inyo," mensahe ni Paul.

Photo: paulandre.salas (Instagram)



Dagdag pa niya na mas paghahandaan pa niya ang susunod niyang mga performances.

"Magdadala 'ko ng upuan the next show para wala nang casualties, kumbaga wala nang maapektuhan," biro ni Paul.

Panoorin ang buong panayam ni Aubrey Carampel kay Paul Salas sa 24 Oras sa video sa itaas.