
Isang cute na video ang ibinahagi ni Kapuso actor Paul Salas sa kanyang Instagram account.
Sa maikling video, makikita si Paul na nagli-lipsync sa kantang "All That Matters" ni Justin Bieber.
Ang kantang ito ay mula sa "Journals", ang pangalawang compilation album ng sikat na Canadian singer na inilabas noong 2013.
Nakasuot pa ng oversized hoodie at beanie si Paul na tulad ng cozy street style ni Justin Bieber.
Ayon sa aktor, pagtupad daw ito sa request ng kanyang girlfriend at kapwa Kapuso star na si Mikee Quintos.
"Bieber Fever #Bizzle
"PS: Request ni @mikee 😂," lahad ni Paul sa caption ng kanyang post.
Samantala, magbabalik si Paul sa primetime sa upcoming action adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Ito pangalawang season ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show na Lolong.
Muli itong pagbibidahan ni primetime action hero Ruru Madrid, kasama sina John Arcilla, Jean Garcia, Shaira Diaz, Martin del Rosario, at marami pang iba.
Muling bibigyang-buhay ni Paul ang karakter na si Martin, na tuluyang nang niyakap ang pagiging Atubaw--lahi ng mga tao na may malalim na koneksiyon sa mga buwaya.
Pinaghandaan niya ang role na ito sa pamamagitan ng pagte-training ng Filipino martial arts at pagkukundiyson ng kanyang katawan.
SILIPIN ANG PAGHAHANDA NI PAUL SALAS, KASAMA SINA RURU MADRID AT MARTIN DEL ROSARIO PARA SA 'LOLONG: BAYANI NG BAYAN' SA EXCLUSIVE GALLERY NA ITO:
Abangan si Paul Salas sa dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, January 20 sa GMA Prime.
Balikan ang unang season ng Lolong: GMANetwork.com/Lolong