
May bagong business venture si Kapuso actor Paul Salas.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Paul na nakipag-partner siya sa isang dragon fruit farm sa Bulacan.
Nagbahagi ang aktor ng ilang pictures ng pagbisita niya sa farm kasama ang kanyang nanay at nakababatang kapatid.
Personal ding nakita ni Paul ang mga tanim at naka-meeting ang bago niyang business partners.
Photo: paulandre.salas (Instagram)
"All smiles as we enter our new Agribusiness Journey, DragonFruit farming with the best partner @dragonfruitdepot fam! Thank you God," sulat niya sa caption ng kanyang post.
Hindi pa ibinahagi ni Paul ang mga detalye ng bago niyang negosyo pero pasok sa agribusiness ang production, processing, at distribution ng farm-based goods tulad ng mga prutas at gulay.
SILIPIN ANG IBA PANG MGA ARTISTA NA PINASOK ANG PAGNENEGOSYO RITO:
Samantala, katatapos lang ni Paul na maging bahagi ng action-packed series na Lolong: Pangil ng Maynila kasama ang kanyang mabuting kaibigan at kapwa Kapuso star na si primetime action hero Ruru Madrid.
Pagkatapos ng maikling bakasyon, naging abala na si Paul sa paglibot at pagpe-perform sa iba't ibang probinsya sa bansa.