GMA Logo Paul Salas
What's Hot

Paul Salas, sinisita ba ni Mikee Quintos kapag masyadong 'sexy' ang IG posts?

By Gabby Reyes Libarios
Published September 7, 2023 4:29 PM PHT
Updated September 8, 2023 12:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump lands in China for Xi summit with Nvidia CEO in tow
Mga taga Central ug Eastern Visayas, Nanghawod sa March 2026 L.E.P.T. | Balitang Bisdak
Chelsea Fernandez loses P100,000 in booked car

Article Inside Page


Showbiz News

Paul Salas


Ano nga ba ang sinasabi ni Mikee Quintos sa mga sexy na social media posts ng boyfriend na si Paul Salas? Alamin dito:

Natatawang umamin si Paul Salas na minsan na rin siyang nasita ni Mikee Quintos tungkol sa kanyang Instagram posts kung saan proud na ipinapakita ng Sparkle hunk ang kanyang fit at sexy na pangangatawan.

"[Tumawag siya], 'Graaaabe, ilan pa ba 'yan? Ilang layout pa ba 'yan?'" sagot ni Paul sa kanyang panayam sa piling Entertainment press, ilang oras bago siya nagperform sa Tanglawan Festival, ang 25th cityhood anniversary celebration ng San Jose del Monte, Bulacan.

Pero agad naman nilinaw naman ni Paul na never pa ito naging ugat ng pagtatalo nila ni Mikee. Naiintindihan naman din kasi ng aktres na parte ito na pagiging artista ng kanyang boyfriend.

"Siguro biruan lang, wala naman anything na pinag-aawayan namin. Nakita rin naman niya siguro na before pa naging kami, parang gano'n na 'yun [content ko.]"




Hindi bago para sa mga masugid na fans ni Paul na makita ang sexy posts nito sa social media. Ani Paul, ito lang 'yung paraan niya para ipakita ang kanyang gratitude para sa brand na kumuha sa kanya bilang endorser para sa kanilang underwear line.

"Since 2019 naman po, simula nung nag-Bench Body endorsement, matagal ko naman na talagang pino-promote ang Bench at malaki yung utang na loob ko kanila kasi isa sila sa mga unang nagtiwala sa akin at inilagay at ipakita ako sa billboards nila, sa stores nila."

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas)

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas)


Sinasalamin din daw ng kanyang sexy posts ang kanyang pagiging open na pag-iisip at care-free na attitude sa buhay.

"Papakita mo rin na, wag ka masyadong mag-isip, wag ka masyadong maging conscious sa sarili mo. Kung ano yung gusto mong ipakita sa mga sumusuporta sa 'yo, go."

Hanggang saan naman ba ang kayang ipakita ni Paul?

Hindi agad makasagot nang diretso ang aktor. Napakamot na lang ng ulo at napangiti ito.

"Baka may mag-comment na yung... baka mag-comment na si Mikee.

Kaya ba niya ng "butt exposure"?

Napangiti ulit siya at nagbiro, "Pupwede, kasi nakapagpa-picture na naman ako na parang nakatalikod sa Instagram, di ba?

"Kung sa pelikula, depende siguro sa story. Kasi ako naman gusto ko maganda pa rin yung story, gusto ko may mapupuntahan pa rin naman. Kapag nakita ko rin sa sarili ko, nakita rin ng mga tao sa paligid ko, sa circle ko, like manager, GMA Network, tapos sasabihin, 'Paul, tingin ko makakapag-grow sa 'yo ito as an actor...' game ako."

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas)


Dagdag naman ni Paul, nagpapaalam naman din siya sa kanyang girlfriend sa tuwing magpo-post siya ng sexy photos. Pero minsan umiiral pa rin ang kanyang kapilyuhan.

"Minsan may permission. Pero minsan gusto ko yung binibigla ko siya para makita ko yung reaction niya kung gumagana ba sa kanya," sagot ni Paul, sabay tawa nang malakas.

Nang tanungin siya kung kumusta ang lagay ng kanyang puso, biglang sagot ni Paul, "Ay siyempre happy!"

Ayon kay Paul, isa mga dahilan na kanilang matatag na relasyon ay kanilang pagiging open sa isa't isa.

"'Pag may bago kaming nakikitang attitude sa sarili, ino-open up namin agad. Kumbaga kapag may problema kami, hindi na kami umaabot sa tinatago namin o nagho-hold kami ng bigat sa loob. Kapag may problema, 'O ganito, pag-usapan na natin.'

Masaya rin si Paul sa personal growth ni Mikee.

"Ngayon, nago-grow siya, sa school graduating na siya, Architecture. Madami siyang gusto sa life niya. Sabi ko naman, support lang ako sa kanya."

"Minsan kasi 'pag marami siyang ginagawa, nase-stress, kailangan niya ng kausap, so sabi ko, anytime na need mo ng kausap na magsasabi na 'O relax ka lang, ang haba haba pa ng buhay.' Ako yung taga-kalma... Kapag naman gusto n'ya ng kape, pinadadalhan ko palagi."

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas)


Nang tanungin naman siya kung ano ang gustong gusto niya tungkol kay Mikee, iisa lang ang sagot ni Paul: "Yung tapang ni Mikee, na feeling ko kayang kaya niya ako ipaglaban."

Aminado si Paul na hindi siya kasing tapang ni Mikee.

"Growing up kasi, natatakot akong huminde e. Hindi ako ganong katapang tulad nung 'pinapakita sa akin ni Mikee. Kunwari kapag medyo naabuso na ako, si Mikee yung, 'Huy, mag-lie low ka muna, kailangan mong maisip na medyo naabuso ka na.'

"Siya yung opposite ko sa ugali. Gustong-gusto ko yung tapang niya at lumalabas yun dahil mahal niya ako."



Lumalabas ang tapang ni Paul pagdating sa pag-pe-perform sa malalaking crowd. Kaya naman nong sumalang na siya sa entablado para magsayaw at kumanta para sa mga taga-San Jose del Monte, Bulacan, kitang kita na ganadong ganado si Paul.

"Nung pagkadating ko nga dito kanina, narealize ko sobrang laki pala ng sports complex na ito. Nag-pray ako, sabi ko, 'Lord, sana mapasaya ko ang mga tao...' It's an honor, kaya talagang sana mapasaya ko ang mga tao."

Hindi naman nabigo ang mga taga-San Jose Del Monte, dahil "Seven" pa lang ni Jungkook, na sinamahan pa ng slick dance moves ng aktor, hindi na magkamayaw ang mga kabataan sa audience.

Maraming "baon" na gimik rin ang guwapong Sparkle star. Sa kalagitnaan ng kanyang song number, tinanggal nito ang kanyang jacket at ibinato sa audience. Sinundan din niya pa ito ng ilan pang kwintas na kanyang suot-suot.