GMA Logo Pauleen Luna and Vic Sotto
Photo by: pauleenlunasotto
What's Hot

Pauleen Luna, binalikan kung paano nagsimula ang relasyon nila ni Vic Sotto

By Aimee Anoc
Published July 6, 2022 6:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Pauleen Luna and Vic Sotto


Ayon kay Pauleen Luna, pitong taon siya sa 'Eat Bulaga' bago pa siya nagkaroon ng "decent conversation" kay Vic Sotto.

Mahigit anim na taon na ngayong kasal sina Eat Bulaga hosts Pauleen Luna at 'Bossing' Vic Sotto.

Sa podcast interview sa "Surprise Guest with Pia Arcangel," binalikan ni Pauleen kung paano nagsimula ang relasyon nila ni Vic na aniya ay "weird at nakaka-stress" ang feeling.

Kuwento ni Pauleen, pitong taon siya sa Eat Bulaga bago pa siya nagkaroon ng "decent conversation" sa legendary host dahil minsan ay "kilay-kilay" lang kapag nagkikita sila sa show.

"He's super mysterious and so quiet. And iyon nga like what I said he comes off as a suplado so medyo parang takot kami sa kanya. Not naman na I tried to avoid having a conversation with him but you know I said to myself parang what we gonna talk about? I'm just gonna be with my friends, with Ate Ruby, Wally," paliwanag ni Pauleen.

Dagdag niya, "We respect him as our superior and I don't think I need to talk with him. So when we started to talk, it's kinda stressful."

Ayon sa aktres, nagsimula silang magkausap ni Vic sa email kung saan aniya ay ibinigay niya lamang ang hinihinging litrato nito mula sa naging trip nila sa Singapore kasama ang mga kaibigan.

"We started off as friends. Labas kami, group kami. Friends talaga. And then after a while I realized 'Aba, okay pala siya.' I mean he's very simple. He wasn't the guy that I expected him to be na parang medyo intimidating. Okay pala siya. He's very easy, madaling sakyan.

"As a matter of fact, ang tawag niya pa noong una sa akin 'Brad, kamusta na?' Friendly lang talaga. I guessed we realized that we had a lot of things in common. Hindi pala siya artista kumbaga. And then we got along very well," sabi niya.

Pakinggan ang buong kuwento ng relasyon nina Pauleen Luna at Vic Sotto sa "Surprise Guest with Pia Arcangel."

Samantala, tingnan ang masayang buhay nina Pauleen Luna at Vic Sotto sa gallery na ito: