GMA Logo Pauleen Luna, Talitha Sotto and Vic Sotto
What's Hot

Pauleen Luna, humihiling pa ng isang anak kay Vic Sotto

By Aimee Anoc
Published July 7, 2022 1:15 PM PHT
Updated July 7, 2022 2:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

IRR sa ‘No to Single Use Plastic’ Ordinance sa Davao City, gipagawas na | One Mindanao
Alex Eala, Ingrid Martins bow out of Australian Open doubles
Lee Victor to release debut single 'Nagkakahiyaan,' a relatable pop track about unspoken attraction

Article Inside Page


Showbiz News

Pauleen Luna, Talitha Sotto and Vic Sotto


"Of course we want her (Talitha) to have another sibling but if ito na 'yun then okay lang din naman." - Pauleen Luna

Ikinuwento ni Pauleen Luna ang kagustuhan na magkaroon pa sila ni Vic Sotto ng isa pang anak.

Sa interview sa "Surprised Guest with Pia Arcangel," sinabi ni Pauleen na sumusubok pa rin sila ni Vic na magkaroon ng isa pang anak.

"We've been trying but I have a lot of issues. I have PCOS, insulin resistance. I have a lot of hormonal problems so hindi pa naibibigay. But kung ibibigay, of course we want Tali to grow up with... kasi her siblings are all grown ups na. So of course we want her to have another sibling but if ito na 'yun then okay lang din naman," kuwento ni Pauleen.

Pero para kay Pauleen, nais niya pang magkaroon ng nakababatang kapatid si Tali. Aniya, "But ako personally gusto ko talagang magkaroon pa kahit isa na lang."

Sa interview, binalikan ni Pauleen ang kagustuhan ni Vic na magkaroon ng anak na lalaki noong nagbuntis siya.

"When I was pregnant, Vic wanted a boy. So, syempre girl. Nu'ng una parang sabi niya... ang tagal na 'e his last child before Tali 30 years old na, so sabi niya hindi niya raw alam kung paano siya magko-connect kung girl. I mean syempre kung boy mas marami siyang ituturo and all.

"But then Tali came and parang she opened a whole new world for us. She's so gentle, kind, loving, and sweet. She's so generous with her words, expressing her love for us. I don't know if it's the pandemic's doing, but she's so makamagulang talaga," sabi ni Pauleen.

Ikinasal sina Pauleen at Vic noong January 2016 at ipinanganak si Talitha noong November 2017.

Tingnan ang father and daughter moments nina Vic at Talitha Sotto sa gallery na ito: