GMA Logo Vic Sotto Pauleen Luna and baby Tali
Celebrity Life

Pauleen Luna, kinompronta ang basher ni baby Tali

By Cherry Sun
Published August 21, 2020 1:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Vic Sotto Pauleen Luna and baby Tali


Pauleen Luna-Sotto sa basher ni Baby Tali: “I can sue you for shaming and cyberbullying a minor.” Read more:

Hindi nag-atubili si Pauleen Luna na komprontahin at paalalahanan ang basher ni baby Tali matapos mabasa ang panlalait na ginawa nito sa kanyang anak.

Sa pamamagitan ng Facebook page na @TRNDSmnl, makikita ang naging palitan ni Pauleen at ng basher.

Mababasa ang post ng isang Facebook user na may ngalang Patrich Walter L. Harris kung saan binitawan niya ang mga salitang “Pangit na bata” kasama ng mga litrato ni baby Tali kasama ang amang si Vic Sotto Ngayon ay burado na ang original post nito sa kanyang personal na Facebook account.

Hindi pa natapos sa panlalait ang basher at patuloy na kinutya ang anak nina Bossing at Poleng.

Nakarating ang kanyang ginawa sa Kapuso actress at si Pauleen mismo ang nagpadala ng mensahe kay Patrich.

Sambit ni Pauleen sa basher, “I would just like to let you know that I can sue you for shaming and cyberbullying a minor.”

Hindi agad humingi ng dispensa si Patrich at sinabi pang mas nais niyang makulong kaysa maglabas ng public apology.


Gayunpaman, mababasa sa update ng @TRNDSmnl na nagbago ang isip nito at nagpaabot ng paumanhin sa ginawa niyang pamba-bash.

Aniya, “Ako po si Patrich Walter Harris, taos-pusong humihingi ng sorry sa lahat ng magulang at sa lahat ng taong nasaktan sa mga nasabi ko lalo na po sa pamilya ni Ma'am Pauleen Luna Sotto at sa lahat po ng followers, supporters, fans ni Pauleen at family Sotto. Ako ay taos-pusong humihingi ng sorry sa inyong lahat. Ako ay nagsisi sa mga nasabi kong mali sa inyong lahat at sana tanggapin niyo ang taos-pusong pahingi ko ng sorry sa inyong lahat. Pasensya na kayong lahat! Thank you so much.”

IN PHOTOS: The quarantined life of Vic Sotto, Pauleen Luna, and baby Tali