
Masayang ibinahagi ni Pauleen Luna ang bonding nila ng anak na si Tali habang sinusubukang magpakuha ng larawan.
Sa Instagram, makikita ang cute na resulta nang subukang magpakuha ng jump shots nina Pauleen at Tali.
Sa unang larawan, maayos na nakuhanan ang mag-ina na kapwa nakangiti, habang nakatatawa naman ang mga sumunod na larawan kung saan makikitang matagumpay na nakatalon si Pauleen habang nananatili naman sa baba si Tali na nakatingin sa kanya.
"Best friends forever. Lol at the last photo tho," sulat ni Pauleen.
Maraming netizens ang natuwa sa mga larawan na ito nina Pauleen at Tali.
"Parang nagulat si Tali sa taas ng talon mo sa last pic," biro ni @joamps3.
"Ayaw magpaawat ng mommy! Hahahaha," sulat ni @jennasypr.
"Ang kulit ni Tali sa last photo hehehe. Sabi niya, 'mommy wait mo naman ako,'" pagbabahagi ni @sweetrems22.
"'Yung reaction ni Tali on the last photo," sabi ni @mae01672.
Mahigit limang taon nang kasal sina Pauleen at Vic Sotto na ikinasal noong January 30, 2016 sa St. James The Great Parish Church sa Alabang. Ipinanganak ni Pauleen si Tali noong November 2017.
Samantala, tingnan ang cutest photos ni Tali Sotto sa gallery na ito: