Article Inside Page
Showbiz News
Matapos ang Hong Kong and Macau trip ni Pauleen Luna with her boyfriend, Bossing Vic Sotto, naging usap-usapan na nagpakasal na ang dalawa. Diretsahang nilinaw ni Pauleen ang isyu na ito.
Matapos ang Hong Kong and Macau trip ni Pauleen Luna with her boyfriend, Bossing Vic Sotto, naging usap-usapan na nagpakasal na ang dalawa. Diretsahang nilinaw ni Pauleen ang isyu na ito.
Sa panayam ni Pauleen with
Startalk TX noong May 18, natatawang ibinahagi ng TV host/actress, “Hindi ko lang alam kung saan nanggaling [ang mga balita tungkol sa kasal].”
Dagdag pa ng
Unforgettable actress na siya ay nagulat, “kasi buti pa sila, alam nila. Hindi ko alam, it’s not true.”
Natanong din ng
Startalk kung ano ang naging reaksyon ng pamilya ni Pauleen sa isyu. Ani Pauleen, “Hindi sila naniwala kasi they trust me enough and they know naman that I’ll tell them. Like what I said, it’s a big decision, so, alam naman nila na hindi ako magtatago and hindi naman talaga ako nagtatago.”
Itinanggi din ni Pauleen na napag-uusapan na nila ni Bossing Vic Sotto ang tungkol sa pagpapakasal. Pagliliwanag niya, “Wala, hindi po totoo ‘yun, 'tsaka if ever that time comes, hindi naman itatago.”
Kasalukuyang napapanood si Pauleen Luna sa Eat Bulaga at sa GMA Afternoon Prime na
Unforgettable. -
Text by Samantha Portillo, GMANetwork.com