What's Hot

Pauleen Luna umamin na papatulan ang mga basher na may malisyosong komento kay Baby Talitha

By Aedrianne Acar
Published February 8, 2018 10:43 AM PHT
Updated February 8, 2018 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balikatan Exercise: PH, US forces train vs drones
Extreme heat kills fish in Davao City fishpond
Here's how much tickets cost for 5 Seconds of Summer's concert in Manila

Article Inside Page


Showbiz News



Nagpasalamat si Dabarkad Pauleen Luna sa showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis sa pagtatanggol kay Baby Talitha.

Ibinuhos ng former StarTalk host na si Lolit Solis ang pagka-inis nito sa mga taong iniintriga ang anak ni Pauleen Luna at Bossing Vic Sotto na si Baby Talitha.

Lolit Solis nag-react nang magalit diumano si Robin Padilla sa isang writer na nagtanong tungkol kay Aljur Abrenica

Inilibas ng veteran entertainment columnist ang kaniyang saloobin sa pamamagitan ng isang mahabang Instagram post. Dito diretsahan niyang sinabi na sumusobra na ang ilan sa mga nagiging opinyon nila patungkol sa anak ng mag-asawang Sotto.

“‘Di ba nakakainis kung sinasabing kamukha ng iba ang anak mo? Ok lang kung kamukha mo o kamukha ng tatay , o kamukha ni Ms. Universe o sino pang sikat na artista, pero iyong kani-kanino ikumpara, foul naman 'di bah! Kaya understand ko inis [ni] Oyo Boy kapag sinasabing kamukha ni ganito o ni ganyan si Talitha, ang kapatid niya kay Bossing Vic at Pauleen Sotto, hindi sa naiinis siya sa tao ikino-compare kay Talitha kundi bakit ba kailangan i-compare in the first place ?”

Dagdag ni Lolit, “Tiyak ko naman, iyon iba may malisya ang pagko-compare, tama na, tigilan na iyang ganyan, ang mga bata angels iyan, hindi dapat sinasali sa intriga.”

 

Alam mo Salve, para maman talaga sa isang nanay ‘di ba nakakainis kung sinasabing kamukha ng iba ang anak mo ? Ok lang kung kamukha mo o kamukha ng tatay , o kamukha ni Ms. Universe o sino pang sikat na artista , pero iyon kani -kanino ikumpara , foul naman di bah ! Kaya understand ko inis Oyoboy kapag sinasabi kamukha ni ganito o ni ganyan si Talitha , ang kapatid niya kay Bossing Vic at Pauleen Sotto, hindi sa naiinis siya sa tao ikino compare kay Talitha kundi bakit ba kailangan i compare in the first place ? Alam nyo mga babies halos lahat iisa hulma , kaya sabi nga isang painter mga babies daw pinaka madaling I-paint dahil iisa lang features , pag laki saka mo makikita ang talagang mukha nila , ang katangian o kung kanino mas may nakuhang features , sa ama o sa ina o sa isa sa mga kapatid. Tiyak ko naman , iyon iba may malisya ang pagko-compare , tama na , tigilan na iyan ganyan , ang mga bata angels iyan , hindi dapat sinasali sa intriga. Kaya nga I understand kung bakit minsan sumasabog ang galit ni Marian Rivera pag sinasali si Zia sa usapan dahil iba mga bata . Hay naku , basta ako maligaya for Talitha , blessing siya sa buhay ni Bossing at Pauleen , happy angel siya , at sige kayo , magagalit ako di nyo ba alam kaya Talitha malapit sa Lolita , hah hah paglaki niyan monster din tulad ko hah hah ingat kayo , joke joke joke. #instatalk #lolitkulit #70naako #jolitnomore

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

 

Taos puso namang nagpasalamat si Pauleen sa pagtatangol ni Lolit Solis kay Baby Talitha.

Umamin din ang Eat Bulaga host na hindi siya makakapayag na may mga taong magsasabi ng masama sa kaniyang baby girl.

 

 

Ipinanganak ni Pauleen si Baby Talitha noong November 2017 at ginanap naman ang dream wedding niya kay Bossing Vic Sotto last 2016.