
Nagsalo sa isang candle-lit dinner sina Eat Bulaga Dabarkads Pauleen Luna at Vic Sotto matapos mawalan ng kuryente sa kanilang tahanan sanhi ng bagyong Ulysses.
Malawak na bahagi ng Luzon ang nasalanta ng bagyong Ulysses kahapon, November 12, at naramdaman din nina Pauleen at Vic ang bangis nito.
Umabot sa 40 oras na walang kuryente sa kanilang bahay. Ngunit sa halip na magreklamo, nagpapasalamat pa rin ang mag-asawa at kinuha ang pagkakataong magkaroon ng romantic dinner date sa kanilang tahanan.
Kuwento ni Pauleen, “Last night's candlelight dinner for 2. Despite the power outtage for 40 hours, we are still grateful that we have a roof above our head and we are safe and healthy.
"We have NO reason to complain. My heart goes out to the people greatly affected by this typhoon. Stay strong.”
Nasalanta rin ng bagyong Ulysses ang ilang celebrities tulad nina Nadia Montenegro, Archie Alemania at Gee Canlas, at Chariz Solomon.
Samantala, ilang celebrities din ang nagpaabot ng tulong at dasal para sa mga biktima ng bagyo.