
Larawan ng isang proud grandmother ang ina ng Dabarkad na si Pauleen Luna na si Mrs. Chat Jimenez-Luna sa baby shower ng kaniyang anak na ginanap nitong September 30.
LOOK: Pauleen Luna's baby shower
Sa Instagram post ni Mrs. Luna, nagpasalamat siya sa Poong Maykapal para sa kaniyang pamilya na todo ang suporta sa magiging supling ni Pauleen at ni Bossing Vic Sotto.
Saad niya sa post, “Precious moment like this is something that I would not want to trade for anything else. Thank you Lord for giving me a wonderful family. Life is a blessing ???? #BabyShower #mothercare #zuni”
Isang netizen naman ang nag-comment sa post ni Mrs. Luna at tinanong kung nasaan ang ibang miyembro ng Sotto clan.
Ipinaliwanag ng ina ni Pauleen na may dalawang baby shower para sa anak na inoorganisa ng Sotto family at ang isa naman ay ng noontime show na Eat Bulaga.