
Sa Tadhana: Ang Pagtatapos, walang mas titibay pa sa pagkakaibigan nina Lucy (Ashley Ortega) at Carl (Radson Flores). Bukod sa pagiging matalino, likas din sa dalawa ang pagiging matulungin sa kanilang mga kaklase na biktima ng pambu-bully. Kaya naman madalas nilang nakakaaway ang mga bully sa eskwela pagdating sa pang-aasar.
Ang bagong pag-iinitan ng mga bully ay ang transferee student na si Helen (Pauline Mendoza). Pero ang pagmamaldita ng ilang estudyante, siya ring maglalagay sa kanilang kapahamakan.
Sino ang dapat sisihin sa nangyaring insidente?
Abangan sa Tadhana: Ang Pagtatapos ang natatanging pagganap nina Ashley Ortega, Pauline Mendoza, Radson Flores, Rere Madrid,Shuvee Etrata, Jenine Desiderio, Eya Borja, Seb Pajarillo, Boogie Bugayong, Gino Ilustre, at Marnie Lapus.
Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kuwento ng Tadhana : Ang Pagtatapos ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube channel.