What's Hot

Pauline Mendoza at Kyline Alcantara, nag-ghost hunting sa TWAC studio

By Bianca Geli
Published July 13, 2018 4:26 PM PHT
Updated July 13, 2018 5:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David: Show kindness, compassion
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Nagtakutan si Igan at ang 'Kambal, Karibal' stars na sina Kyline Alcantara at Pauline Mendoza sa 'Tonight With Arnold Clavio' studio.

Nagtakutan si Igan at ang Kambal, Karibal stars na sina Kyline Alcantara at Pauline Mendoza sa Tonight With Arnold Clavio studio.

Isang makapanindig-balahibong edisyon ng “Nasubukan Mo Na Ba?” ang bumulaga sa mga bida ng Kambal, Karibal.

Naikuwento ni Kyline ang isang nakakapangilabot na karanasan noong nag-ghost hunting siya sa Bulacan. “Sa isang school po sa Bulacan. Sa La Consolacion.”

May naramdaman ba siyang kakaiba? Sagot niya, “Wala po kasi nahuli po kami ng guard.”

Agad namang tinakot si Kyline ni Igan, “Walang guwardiya doon, ang nakausap mo ay hindi guwardiya, [kung 'di] isang elemento. Ano sabi ng guwardiya?”

Sagot ni Kyline, “Ma’am, ‘wag po kayo rito, gabi na.”

Tanong ulit ni Igan, “Ano [ang] hitsura ng guwardiya?”

“Gabi na po, hindi ko po nakita.”

Nakakita nga ba ng multo si Kyline? Alamin ang buong storya sa TWAC: