GMA Logo My Fantastic Pag-ibig: Sakalam
What's on TV

Pauline Mendoza at Manolo Pedrosa, mapapanood sa 'My Fantastic Pag-ibig: Sakalam'

By Maine Aquino
Published October 12, 2021 5:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

My Fantastic Pag-ibig: Sakalam


Abangan ang exciting na kuwentong pagbibidahan nina Pauline Mendoza at Manolo Pedrosa sa 'My Fantastic Pag-ibig: Sakalam.'

Ngayong October 16, mapapanood natin ang tambalang Pauline Mendoza at Manolo Pedrosa sa bagong kuwento ng My Fantastic Pag-ibig.

Sa episode na ito, mapapanood ang kuwento ng isang writer na mapupunta sa mundo na kaniyang isinulat.

Ang My Fantastic Pag-ibig: Sakalam ay tungkol sa isang writer na lumaki sa isang broken family. Sa pagsusulat ng graphic novel na tungkol sa ideal couple niya ibinuhos ang oras.

Photo source: @manolopedrosa/ @paulinemendoza_

Dahil sa isang pangyayari ay makakarating siya sa mundong kaniyang isinulat. Makikilala ba siya ng mga characters na ginawa niya? Ano ang mangyayari sa kaniya sa mundong ito?

Makakasama nina Pauline at Manolo sa My Fantastic Pag-ibig: Sakalam sina Tina Paner, Faith Da Silva, Angela Alarcon, at Joshua Bulot.

Abangan ang pagsisimula ng bagong istorya ng My Fantastic Pag-ibig ngayong October 16, 7:05 pm sa GTV.

My Fantastic Pag-ibig: Ang paghaharap nina Nathan at Damian