
Tampok ngayong Sabado sa "Utang" episode ng Wish Ko Lang ang kwento ni Bambi (Pauline Mendoza) na naperwisyo ang buhay matapos na magpautang sa manloloko niyang kaibigan.
Dahil sa awa sa kaibigan, kahit na gipit ay pinautang ni Bambi si Rona (Mara Alberto) para matulungan ang huli na makabili ng gamot para sa inang may sakit. Pero ang hindi alam ni Bambi ay niloloko lamang siya ng kaibigan at sinasadya nang hindi magbayad ng utang.
Malaking perwisyo ang naidulot nito para sa pamilya ni Bambi, na naputulan ng kuryente at nawalan ng pangkabuhayan.
Huwag palampasin ang "Wish Ko Lang: Utang" ngayong Sabado, November 19, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
KILALANIN SI PAULINE MENDOZA SA GALLERY NA ITO: