GMA Logo Pauline Mendoza and EA Guzman
PHOTO COURTESY: paulinemendoza_ (IG)
What's on TV

Pauline Mendoza, bilib sa acting skills ni EA Guzman sa 'Widows' Web'

By Dianne Mariano
Published February 26, 2022 10:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Pauline Mendoza and EA Guzman


“Noong naka-eksena ko si EA, sabi ko, 'Grabe sobrang galing ni EA.'” - Pauline Mendoza

Kabilang sina Sparkle artists Pauline Mendoza at EA Guzman sa upcoming GMA primetime series na Widows' Web na mapapanood na simula February 28.

Sa seryeng ito, gagampanan ng aktres ang role bilang Elaine Innocencio, ang hotel staff na mapipilitang pasukin ang mundo ng mga Sagrado, habang bibigyang buhay naman ng aktor ang karakter ni Frank Querubin, ang mapagmahal na nobyo ni Elaine.

Photo courtesy: GMA Drama (Facebook)

Ibinahagi ni Pauline na humanga siya sa pag-arte ng kanyang kapwa Kapuso star sa kanilang bagong proyekto.

“I can say kay EA kasi siya 'yung partner ko rito. Naka-experience na ako ng other love teams but this time, paulit-ulit kong sinasabi this is [a] very matured role. Noong naka-eksena ko si EA, at first, talagang nahihiya ako sa kaniya,” pagbabahagi niya sa GMANetwork.com

Dagdag ng aktres, “Na-feel pa namin 'yung awkwardness namin sa isa't isa kasi syempre, we have to believe and maniwala 'yung audience natin na mahal namin 'yung isa't isa talaga.

“Noong naka-eksena ko si EA, sabi ko, 'Grabe sobrang galing ni EA.' I'm very happy na nakatrabaho ko si EA and ako 'yung napiling partner ni EA. Nadadala ako sa kanya tuwing may eksena kami. And paulit-ulit kong sinasabi sa kanya, sabi ko, 'Ang sarap mong ka-eksena.'”

Bilang paghahanda para sa kanyang role, ibinahagi rin ni Pauline na kinailangan niyang magbawas ng timbang. Nakatulong din daw ang script reading sessions kasama ang kanyang co-stars at ang batikang direktor na si Jerry Lopez Sineneng.

Ang Widows' Web ay pinagbibidahan nina Ashley Ortega (Jackie Antonio-Sagrado), Pauline Mendoza (Elaine Innocencio), Vaness del Moral (Hillary Suarez), at Carmina Villarroel (Barbara Sagrado-Dee).

Huwag palampasin ang world premiere ng kauna-unahang suspenserye ng GMA Telebabad simula February 28 at 8:50 p.m.

Samantala, tingnan ang magagandang larawan ni Pauline Mendoza sa gallery na ito.