
Walang hindi gagawin si Dulce (Carmina Villarroel) para hindi lumabas ang sikreto na tinatago niya.
Sa recent episode ng Babawiin Ko Ang Lahat, natuklasan na ni Victor (John Estrada) na planado ang pagkidnap kina Iris (Pauline Mendoza) at Trina (Liezel Lopez).
Kaya ganoon na lang ang tindi ng galit nito kay Dulce na kasabwat sa planong ito.
Ngayon, mas lalong umiinit ang mga eksena sa hit afternoon soap, lalo na at sinadya ni Dulce na maaksidente si Victor na naging dahilan ng pagka-comatose nito.
Saan aabot ang kasamaan at kasakimaan ni Dulce para hindi siya mabulilyaso?
Sa exclusive interview ng Kapuso Showbiz News sa isa sa mga bida nitong si Pauline Mendoza, ibinahagi niya ang mga susunod na mangyayari at kaabang-abang na bangaan ni Iris kontra sa tandem ng mag-inang Dulce at Trina.
Kuwento ni Pauline, “Doon na mag-i-start 'yung labanan ng characters nina Iris, Trina at ni Dulce.
“Doon na talaga iikot 'yung istorya kung paano nila makukuha si Victor, siyempre I'm very excited na mapanood ng mga viewers natin yan.”
Huwag papalagpasin ang mga susunod na hakbang ni Iris Salvador para mabawi ang lahat nang kinuha sa kanya sa Babawiin Ko Ang Lahat, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Karelasyon.
Muling balikan ang naging lock-in taping experience ng buong cast sa Batangas noong nakaraang taon sa gallery below: