
Taos-pusong nagpapasalamat si Kapuso star Pauline Mendoza sa mga patuloy na sumusubaybay sa kauna-unahang suspenserye sa GMA, ang Widows' Web, matapos nitong umani ng mataas na ratings.
“Grabe sobrang happy namin. Nagkagulo kami sa GC namin sa Widows' Web, lahat kami super duper happy. From the pilot [episode] ang taas ng ratings namin and patuloy talagang tumataas 'yung ratings. Hindi namin ine-expect at all.
“So, very thankful kami sa lahat, very grateful kami sa inyong lahat na sumusuporta sa Widows' Web,” pagbabahagi ng aktres sa ginanap na TikTok live ng GMA Network kahapon, March 16.
Dagdag pa ni aktres, “Very happy kami [at] very blessed and sana magka-book two tayo.”
Sa seryeng ito, binibigyang buhay ni Pauline ang karakter bilang Elaine Innocencio, ang mabait at madiskarteng nobya ni Frank Querubin na ginagampanan ni Kapuso actor EA Guzman.
Para mas marami pang kapana-panabik na mga eksena, patuloy na subaybayan ang Widows' Web tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad pagkatapos ng First Lady.
Samantala, silipin ang behind-the-scenes ng lock-in taping ng Widows' Web sa gallery na ito.