
Usap-usapan online ang mga pangyayari sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Mula sa masaklap na kuwento ni Mitena (Rhian Ramos) hanggang sa maaksyong digmaan sa mundo ng Encantadia, hindi mapigilan ng fans ang mag-react at post tungkol sa mga eksena ng bagong yugto.
Dahil sa Encantadia fever, nag-viral online ang iba't ibang memes at fan edits na hindi lang limitado sa mga karakter ng serye.
Sa isang nakakatawang Facebook post, sumali sa kulitan ang Kapuso actress na si Pauline Mendoza matapos mapansin ang isang kinaaliwang meme. Makikita na ginamit ang kanyang dating karakter na si Criselda (Crisel) mula sa 2017 drama series Kambal, Karibal.
Dahil multo o espiritu si Crisel, kinonekta ito ng netizens sa isang Sang'gre scene kung saan isinilang si Ivtre Mitena.
"Ano toooo, bat nadamay si Crisel," natawang reaksyon ni Pauline.
Kaagad pinusuan ng fans ang kanyang comment, at marami ang naaliw sa unexpected crossover ng GMA characters. May ilan ding netizens na tila gusto makita si Pauline na pumasok sa mundo ng superserye.
Subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Samantala, mapapanood si Pauline sa inspirational-drama film na Green Bones sa digital streaming platform na Netflix.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: