GMA Logo Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2
Courtesy: GMA, ABS-CBN, Pinoy Big Brother
What's Hot

'PBB 2.0' housemates, may New Year's Ball sa Bahay Ni Kuya

By EJ Chua
Published December 29, 2025 7:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Concern raised over maggots in lechon at Davao City restaurant
Coca-Cola Philippines’ iSTAR Program Powers Family-Owned Carinderia’s Rise in Cebu
P-pop boy group VXON announces first concert

Article Inside Page


Showbiz News

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2


Patuloy na tumutok sa journey ng mga Kabataang Pinoy housemates ngayong holiday season sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.'

Level up na excitement at kilig ang mga eksenang masasaksihan sa upcoming episodes ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Sa teaser na inilabas ng teleserye ng totoong buhay, ipinatawag ni Kuya ang male housemates at saka niya inanunsyo na isang event ang magaganap sa kanyang iconic house.

Nagsisigaw ang housemates dahil sa labis na excitement nung nalaman nila mula kay Big Brother na magkakaroon sila ng New Year's Ball.

Ipinasilip din sa ilang clips ang kilig scenes nina Heath Jornales at Caprice Cayetano nung yayain ng una ang huli na maging date niya sa ball.

Mayroon ding pahapyaw kay Anton Vinzon na mayroon ding niyaya na gusto niya maka-date sa event.

Bukod dito, kaabang-abang din ang mga makeover at iba pang paghahanda na gagawin ng housemates para sa kanilang New Year's Ball.

Huwag palampasin ang mga susunod na kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.

Related gallery: Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'