
Ngayong Linggo, January 11, pinangalanan na ang tigdalawang Kapuso at Kapamilya ex-housemates na maaaring makabalik sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Sa edisyong ito, ang Kapuso wildcards na nakakuha ng pinakamaraming boto mula sa taumbayan ay sina Marco Masa at Anton Vinzon. Samantala, ang Kapamilya wildcards naman na nakakuha ng pinakamaraming boto ay sina Rave Victoria at Eliza Borromeo.
Mahaharap sila sa isang hamon para matukoy kung sino ang isang Kapuso at isang Kapamilya ang magiging official housemates muli ni Kuya.
Huwag palampasin ang kaabang-abang na moments sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ito sa GMA at Kapuso Stream weekdays, 9:40 p.m., at Sabado at Linggo, 6:15 p.m.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream sa GMANetwork.com.
Kilalanin ang fan-favorite ships sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.