GMA Logo PBB Ashley Sarmiento, Rave Victoria
Courtesy: ashleysarmiento_IG, officialravevictoria IG
What's Hot

Ashley Sarmiento, nabigyan ng 100 seconds para makausap si Rave Victoria

By EJ Chua
Published January 15, 2026 10:26 AM PHT
Updated January 15, 2026 10:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada maintains strength as 12 areas placed under Signal no. 1
PBBM joins delivery of dual-fuel bulk carrier in Balamban, Cebu
A new 'Heated Rivalry' book is coming this September

Article Inside Page


Showbiz News

PBB Ashley Sarmiento, Rave Victoria


Napanood n'yo rin ba kung paano ginamit nina Ashley Sarmiento at Rave Victoria ang 100 seconds na gift ni Big Brother?

Sa kalagitnaan ng pagiging emosyonal ni Rave Victoria matapos siyang matalo ni Eliza Borromeo sa challenge para makabalik sa Bahay Ni Kuya, isang regalo ang inihandog ni Kuya sa una at sa isang official housemate.

Sa latest episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, napanood na ang isini-ship kay Rave na si Ashley Sarmiento ang napili ng housemates na makalapit sa una kasunod ng announcement ni Kuya na papayagan niyang mayroong makalapit dito.

Mabilis na tumakbo si Ashley papunta kay Rave at inabutan niyang nakayuko ang huli dahil sa naramdamang labis na lungkot dahil umano sa kanyang pagkabigo.

Habang nag-uusap, ipinaliwanag ng Sparkle star na 100 seconds lang ang mayroon sila para makapag-usap.

Nung narinig ito ni Rave, agad siyang nag-greet kay Ashley at tila sinulit nila ang natitirang oras nila together.

Kinakiligan online ang pagbuhat ng Kapamilya ex-housemate sa Kapuso housemate at ang pagsasabi nila na miss na miss na nila ang isa't isa.

@gmanetwork #PBBCollab20SecondChance: Sana enough 'yung 100 seconds kahit papaano 😥 #AshleySarmiento #RaveVictoria Watch #GMAPBBCollab ♬ original sound - GMA Network

RELATED CONTENT: Meet the fan-favorite ships in 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'

Ang AshRave ang isa sa love teams sa teleserye ng totoong buhay.

Samantala, makaligtas kaya si Ashley mula sa eviction ngayong siya ang isa sa mga nominado?

Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na ito.