
Isa si Mika Salamanca sa celebrities na official housemates ngayon ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Kasunod ng pasabog na revelation tungkol sa bagong housemates ni Kuya, nakatanggap si Mika ng suporta mula sa kaniyang fans.
Ang content creator ay kilala ngayon bilang ang Controversial Ca-babe-len ng Pampanga.
Narito ang reaksyon ng fans ni Mika sa pagsisimula ng kaniyang journey sa Pinoy Big Brother.
Kasama ni Mika sa loob ng Bahay ni Kuya ang kapwa niya Sparkle stars na sina Michael Sager, Ashley Ortega, AZ Martinez, Will Ashley, Josh Ford, Charlie Fleming, at Dustin Yu.
Sa kasalukuyan, mayroong 2.7 million followers at 1.3 million likes ang Sparkle star sa Facebook.
Bukod sa pagba-vlog, napanood na rin siya sa ilang TV shows, gaya ng pinag-usapang medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Samantala, subaybayan si Mika sa teleserye ng totoong buhay.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.