
Unstoppable ang pasabog at paghahatid ng sorpresa ng ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition!
Isang fancon event na tinawag na 'The Big ColLove' ang magaganap sa darating na August 10.
Muling magsasama-sama ang Kapuso at Kapamilya stars na nanirahan noon sa loob ng Bahay Ni Kuya para sa collaboration project ng GMA at ABS-CBN.
Related gallery: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
Hindi dapat palampasin ng supporters ang one-of-a-kind fan meet experience kasama ang kanilang paboritong housemates.
Present dito ang Big Four ni Kuya na sina Mika Salamanca, Brent Manalo, Ralph De Leon, Will Ashley, Charlie Fleming, Esnyr, AZ Martinez, at River Joseph.
Bukod sa ex-housemates, dapat ding abangan dito kung sinu-sino ang darating na surprise guests.
Sa latest video na in-upload ng Sparkle GMA Artist Center sa Instagram, ipinasilip ang ilang detalye tungkol sa upcoming event.
Para sa pag-avail ng tickets, maaaring bisitahin ang ticket.com.ph.
Related gallery: Celebrity houseguests sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'