
Very supportive ang ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sa Nation's Son at tinaguriang Mama's Dreambae ng Cavite na si Will Ashley.
Bukod sa fans at relatives, spotted din sa first solo concert ng Kapuso actor ang mga nakasama niya noon sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Kabilang sa mga dumalo para iparamdam ang kanilang suporta kay Will ay ang kanyang fellow Sparkle stars na sina Mika Salamanca, AZ Martinez, Shuvee Etrata, Josh Ford, at Vince Maristela.
Present din sa event ang Star Magic artists na sina River Joseph at Kira Balinger.
Si Bianca De Vera naman na ex-housemate din at former Unbreak My Heart co-star ng aktor ay nakasama ng huli na nag-perform on stage.
Samantala, ang Nation's Son at ang kanyang final duo na si Ralph De Leon ang Second Big Placer Duo sa previous collaboration ng GMA at ABS-CBN na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mapapanood si Will bilang bida sa upcoming film na Love You So Bad, kung saan kasama niya bilang co-lead stars ang ilan sa kanyang former housemates na sina Bianca De Vera at Dustin Yu.
Bukod pa rito, kabilang din si Will sa cast ng pelikulang Bar Boys: After School, na gaya ng Love You So Bad ay isa rin sa entries sa Metro Manila Film Festival o MMFF ngayong taon.
Related gallery: Will Ashley's transformation over the years