
Isa sa mga nagwagi sa month-long 3rd anniversary special ng Family Feud ang hosts ng inaabangang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Ngayong March 7, napanood sa Family Feud ang team 'PBB: Celebrity Collab' nina Gabbi Garcia, Bianca Gonzalez, Robi Domingo, at Melai Cantiveros-Francisco. Nakalaban nila sa exciting at masayang survey hulaan ang team ng 'Ex-boarders ni Kuya' na sina Kazel Kinouchi, Fourth Solomon, Fifth Solomon, at Axel Torres.
Tuwing Lunes hanggang Biyernes, 5:40 pm, mapapanood ang More Tawa, More Saya, More Premyo 3rd anniversary episodes ng Family Feud kaya tutukan ito sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.