GMA Logo Bianca De Vera, Vince Maristela, Brent Manalo, Mika Salamanca, PBB collab former housemates
Photo Courtesy: It's Showtime
What's on TV

PBB collab ex-housemates reunite to play 'Laro Laro Pick'on 'It's Showtime'

By EJ Chua
Published June 10, 2026 2:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Straight from the Expert: Trending Hobbies - Pickleball
Marcos pledges P50K aid for families of Mindanao earthquake fatalities
Filipina firefighter helps save child from Japan railway

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca De Vera, Vince Maristela, Brent Manalo, Mika Salamanca, PBB collab former housemates


Naglaro at nagbigay-saya ang former PBB collab housemates sa Laro Laro Pick!

Napuno ng saya ang set ng It's Showtime sa pagbisita rito ng ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Sumalang sa Laro, Laro, Pick at napanood bilang guests sa show sina Mika Salamanca, Will Ashley, Dustin Yu, Brent Manalo, Ralph De Leon, Esnyr, River Joseph, Bianca De Vera, Vince Maristela, Kira Balinger, Klarisse De Guzman, at Emilio Daez.

Isa sa highlights ng pagiging contestants nila ay ang mga naging makulit na sagot ng ex-housemates sa tanong ng It's Showtime host na si Vice Ganda.

Labis na kinagiliwan ni Vice at ng audience ang sagot ng Sparkle star na si Vince Maristela sa tanong kung sino ang host ng Maalaala Mo Kaya na nagsisimula sa letter C ang pangalan.

Ang pangalan ni ABS-CBN COO for Broadcast na si Cory Vidanes ang isinagot ni Vince at kasunod nito ay tumatak na kay Vice Ganda ang sagot ng Kapuso actor.

Samantala, sa kalagitnaan ng laro, ang apat na natira na naglaban-laban ay sina River Joseph, Klarisse De Guzman, Kira Balinger, at Bianca De Vera.

Mula sa apat na nabanggit na players ay natira si Bianca ngunit hindi siya pinalad na manalo sa laro.

Ang ex-housemates na nakisaya at nagbigay-saya sa 'Laro Laro Pick' ay kabilang sa cast ng suspense collab series ng GMA at ABS-CBN na The Secrets of Hotel 88.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, huwag palampasin ang next episodes ng The Secrets of Hotel 88.

Ipinapalabas ang collab series mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m sa GMA Prime.

Napapanood na rin ang serye sa Kapuso Stream, GMA Pinoy TV, TFC, iWant TV, at Kapamilya Online.