
Napapa-throwback ang OPM diva na si Klarisse De Guzman sa kaniyang time na nasa loob siya ni Bahay ni Kuya.
Mahigit tatlong buwan na nang mangyari ang Big Night ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' sa New Frontier Theater, pero para kay Klarisse talaga naman nakaka-miss ang panahon na ginugol niya sa loob ng Bahay ni Kuya.
Post ng former housemate sa X, “KUYAAAA!!! MISS NA KITAAAA!!”
RELATED CONTENT: The busy life of Klarisse De Guzman after a remarkable 'PBB' stint
Sumunod na post ng Nation's Mowm, “Nakaka-miss din talaga yung maliit ngunit makulay na mundo namin sa loob ng bahay ni kuya. Kami-kami lang, Walang ibang ingay. Iyak,tawa pero sa dulo lahat may unawa. Kuya, I miss you!!! pahingi ng tissue!”
KUYAAAA!!! MISS NA KITAAAA!!
-- Klarisse De Guzman (@Klarissedguzman) October 7, 2025
Napa-comment naman si Will Ashley sa post ng kaniyang Ate Klang at sinabing, “Miss ko na din si kuya pati ikaw ate”
Miss ko na din si kuya pati ikaw ate 🥺
-- Will Ashley (@willashley05) October 7, 2025
Samantala, malapit na uli magbukas ang Bahay ni Kuya lalo na at nagsimula na ang patikim sa new season na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
RELATED CONTENT: Meet 'PBB' housemate Klarisse De Guzman