GMA Logo Brent Manalo, Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
Courtesy: Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, brentymanalo (IG)
What's Hot

PBB housemate na si Brent Manalo, sobrang naapektuhan sa nominasyon

By EJ Chua
Published April 22, 2025 1:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos urges Pinoys to seek truth, humility, compassion like Blessed Virgin Mary
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Brent Manalo, Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition


Brent Manalo matapos ma-nominate sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition: “I don't know what's wrong with me.”

Ongoing ang botohan para sa ikatlong nomination night sa pinag-uusapang GMA and ABS-CBN's collaboration project na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Isa sa celebrity housemates na nominado ngayon ay ang Kapamilya star na si Brent Manalo, ang ka-duo ng Kapuso actor na si Vince Maristela.

Related gallery: Meet the Kapuso and Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'

Sa isa sa episodes ng programa, naging emosyonal si Brent sa confession room habang kausap niya si Big Brother.

Tila hindi niya inaasahan ang naging resulta ng nominasyon kaya't inamin niya na sobrang naapektuhan siya rito.

Ayon pa sa kanya, wala man lang umanong lumapit sa kanya upang magpakita ng concern nang siya ay ma-nominate.

Pahayag ni Brent, “When I was looking around, pansin ko walang lumapit sa akin. Maybe, check up on me. I just felt bad. I was only ever kind. I was on my best behavior. Medyo nag-expect ako kasi parang maganda napapakita ko sa lahat."

“I don't know what's wrong with me. I just wanted someone to feel bad na there's possibility na next week ma-evict ako,” pahabol pa niya.

Sa episode kung saan tampok ang ikatlong nominasyon, binoto ng ilang housemates ang duo nina Brent at Vince dahil sa umano'y hindi sila masyadong nakikisalamuha at nagiging open sa mga kasama nila sa loob ng Bahay ni Kuya.

Samantala, bukod kina Brent at Vince, nominado rin ang iba pang male celebrity duos na sina Michael Sager at Emilio Daez (MiLi), at Ralph De Leon at Dustin Yu. (RasTi).

Voting is now open at maaari nang iligtas ang iyong paboritong celebrity duo.

Huwag palampasin ang susunod na mga pasabog na sorpresa mula kay Kuya.

Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.