GMA Logo Shuvee Etrata goals in life after Pinoy Big Brother
What's Hot

Shuvee Etrata, ano ang next goals para sa sarili matapos ang PBB?

By EJ Chua
Published July 23, 2025 11:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Natural gas discovered at Malampaya East 1 —Marcos
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata goals in life after Pinoy Big Brother


Matapos ang kanyang Pinoy Big Brother experience, ano kaya ang tina-target ni Shuvee Etrata na ma-achieve para sa kanyang sarili?

Mayroong napakahalagang goal ngayon ang ex-housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na si Shuvee Etrata.

Sa naganap na Sparkle x PBB Grand Mediacon, ibinahagi ni Shuvee na mayroon siyang gustong baguhin sa kanyang pananaw sa buhay lalo na sa kanyang sarili matapos ang naging journey niya sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Mas mahalaga sa kanya ngayon ang maging mabuting tao lalo na't sunud-sunod na ang projects na kanyang natatanggap at padami na nang padami ang kanyang supporters.

“I'm aware po na maraming dumating na followers pero more than that I feel like I now have a greater responsibility to raise more awareness, to be more ah… mas maging maayos na tao,” pahayag niya.

Dagdag pa ni Shuvee, “Kasi nakakatakot talaga na lahat talaga ng moves ko nakikita ng mga tao kaya mas magiging aware na ako ngayon.”

“Right now, I feel like I'm more tamed,” pahabol na biro ni Shuvee.

RELATED CONTENT: Kapuso housemates sa grand Sparkle x PBB Grand Mediacon

Patuloy na nakatatanggap si Shuvee ng papuri mula sa maraming Filipino viewers at netizens dahil sa kanya umanong authenticity o pagiging totoo sa loob ng Bahay Ni Kuya at maging ngayon na siya ay nasa outside world na.

Nakilala ang Kapuso star sa 'teleserye ng totoong buhay ng mga sikat' bilang Island Ate ng Cebu.

Si Klarisse De Guzman ang final duo ni Shuvee sa katatapos lang na collaboration project ng GMA at ABS-CBN na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

RELATED CONTENT: Who's the most followed ex-PBB Celebrity Collab Edition housemate on TikTok