GMA Logo pbb caprice cayetano, heath jornales, sofia pablo
Image Source: gmanetwork and sparklegmaartistcenter (IG)
What's Hot

Kapuso PBB housemates Caprice, Heath, Sofia, nominado ngayong Linggo

By Kristine Kang
Published January 25, 2026 8:03 PM PHT
Updated January 25, 2026 8:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala hopes to inspire people with her journey
Dress for the cold like these Kapuso beauty queens
Biyahe ni Drew: Alamin ang mga patakaran sa pag-akyat sa Mt. Pulag

Article Inside Page


Showbiz News

pbb caprice cayetano, heath jornales, sofia pablo


Sino kaya kina Sofia Pablo, Caprice Cayetano, Heath Jornales, Eliza Borromeo, Joaquin Arce at Carmelle Collado ang mananatili pa at lalabas na sa Bahay Ni Kuya?

Matapos ang harapan ng dalawang grupo na Solid Six at Striving Feathers, inanunsyo na ni Kuya ang mga nag-wagi at natalo sa Ligtask challenge.

Pagkatapos ang kanilang huling task, ang nanalong grupo ay ang Striving Feathers na sina Ashley Sarmiento, Marco Masa, Princess Aliyah, Lella Ford, Miguel Vergara, at Krystal Mejes na may 5,728 puntos.

Samantala, nakakuha naman ng 4,090 points ay ang Solid 6. Dahil bigo ang kanilang grupo, sila ang mga naging bagong nominado ngayong Linggo.

Ang mga kasaling Kapamilya housemates sa nominsayon ay sina Joaquin Arce, Eliza Borromeo, at Carmelle Collado.

Samantala, ang mga nominated Kapuso housemates ay sina Sofia Pablo, Caprice Cayetano, at Heath Jornales.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Sino kaya sa kanila ang magpapatuloy ng kanilang journey sa loob ng iconic house at sino naman kaya ang babalik na sa outside world?

Voting is now open at maaari nang iligtas ang iyong paboritong housemates.

Voting through Maya is now available and here's how you can join.

1. Download Maya application and sign up for free.

2. Log in to your account and make sure to cash in before voting.

3. Tap the Pinoy Big Brother or PBB icon

4. Vote or choose the housemate you want to save

5. Select denomination/amount and confirm your vote

Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na ito: www.gmanetwork.com/pbblivestream