GMA Logo Kira Balinger, Xyriel Manabat as PBB houseguests
Courtesy: kira_balinger IG | xyrielmanabat_ IG
What's Hot

Kira Balinger, Xyriel Manabat, magbabalik sa Bahay Ni Kuya

By EJ Chua
Published February 12, 2026 12:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bong Revilla arrives at DOJ for plunder probe over flood control mess
GMA Pinoy TV Streaming Onboard Soon — Bringing Home Closer to Every Global Filipino Seafarer
Celebrities who fell in love with pickleball

Article Inside Page


Showbiz News

Kira Balinger, Xyriel Manabat as PBB houseguests


From Hotel 88 to PBB Hotel: Abangan ang pagdayo ng ex-housemates na sina Kira Balinger at Xyriel Manabat sa Bahay Ni Kuya!

Sunud-sunod ang pagdating ng mga bisita sa Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood sa teleserye ng totoong buhay ngayong Huwebes ang pagbabalik ng ex-housemates ng unang season ng collab na sina Kira Balinger at Xyriel Manabat.

Masasaksihan dito ang pagka-starstruck ng Kabataang Pinoy housemates sa beauty nina Kira at Xyriel.

Kaabang-abang din ang kulitan moments nila habang nagpapakilala sa isa't isa at kung ano ang task ng dalawang ex-housemate sa muling pagpasok nila sa Bahay Ni Kuya.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Courtesy: Pinoy Big Brother, GMA

Bago ang mga ito, bumisita na rin sa Big Brother House ang iba pang ex-housemates gaya nina Mika Salamanca, Brent Manalo, AZ Martinez, Ralph De Leon, River Joseph, at iba pa.

Samantala, abala sila ngayon para sa upcoming suspense collab series na The Secrets of Hotel 88, kung saan kasama rin nila sila Will Ashley, Dustin Yu, Josh Ford, at iba pa.

Abangan ang mga susunod na kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na ito: www.gmanetwork.com/pbblivestream

RELATED CONTENT: Meet the Fan-Favorite Ships in 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'