GMA Logo DustBia in Kinakabahan and AZRalph in Naiilang
Source: Lily Music/YT, Sparkle
What's Hot

PBB loveteams nina Dustin Yu & Bianca de Vera, Ralph de Leon & AZ Martinez, trending online

By Kristian Eric Javier
Published September 14, 2025 10:06 AM PHT
Updated September 14, 2025 11:12 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Picture-perfect Taichung: Four popular attractions where heritage, art, and nature meet
Man nabbed for blackmailing ex-girlfriend in Davao City
Japanese sushi chain pays $3.2 million for tuna at auction

Article Inside Page


Showbiz News

DustBia in Kinakabahan and AZRalph in Naiilang


Trending ang love teams at music videos na pinagbibidahan nina Dustin Yu at Bianca de Vera, Ralph de Leon at AZ Martinez online!

Trending online ang ilan sa mga loveteams na nabuo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition katulad na lang ng DustBia nina Dustin Yu at Bianca de Vera, AZ Martinez at Ralph de Leon.

Kamakailan lang ay bumida sina Dusin at Bianca sa music video para sa kantang “Kinakabahan” ng bandang LILY nitong Huwebes, September 11. Kitang-kita ang chemistry at romance feels ng dalawa sa naturang music video, kaya naman puno ng paghanga ang fans.

Nagpakilig din sina AZ at Ralph sa music video ng kantang “Naiilang” ng artist na si Le John, na unang lumabas noong Sabado, September 6. Pinuno ng dalawang artists ng kilig vibes ang music video na ramdam na ramdam din ng kanilang fans.

Sa pagbisita nina AZ sa Unang Hirit nitong September 11, ibinahagi pa ng Kapuso star kung gaano kasaya katrabaho si Ralph para sa naturang music video.

“I really had fun working with him as in ang galing niya ka-work and ang galing niya mag-acting," ani AZ. "Like feel na feel namin nasa music video kami and we we really enjoy. Parang we weren't working at all... Parang we were just hanging out. Just doing what we usually do,” sabi ng aktres.

Ngayong Sabado, September 13, trending ang parehong love teams at kani-kanilang music videos sa X (dating Twitter). May 427k posts na tungkol sa “DUSTBIA KINAKABAHAN MV DAY,” samantalang meron namang 19.1k posts ang tungkol sa “AZRALPH NAIILANG MILLION VIEWS.”

Meron na ring 423k views ang “Kinakabahan” music video sa Youtube channel ng LILY, habang 1.3M naman ang “Naiilang” sa YouTube channel ni Le John.

Sa comments section ng dalawang videos, ipinahayag ng fans ang kanilang paghanga at saya na sa wakas ay napanood na nila sa kani-kanilang project ang DustBia at AZRalph. Ang iba, humihiling pa na magkatrabaho ang paborito nilang mga PBB loveteams sa isang serye o pelikula.

POLL: Kaninong PBB housemates MV ang pinaka inabangan?

BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA 'THE BIG COLLOVE FANCON' NG FORMER HOUSEMATES SA GALLERY NA ITO: