
Kinaaliwan ng Madlang Kapuso ang bulol moments ni Anne Curtis sa hit segment ng It's Showtime na "EXpecially for You."
Sunod-sunod ang pang-aasar na inabot ng Pambansang Dyosa mula sa mga kapwa niyang co-host ng sabihin nito sa searchee na si Ronaldo: “Do you have a peck up line?”
Pati si Jhong Hilario, hindi na mapigilan sa pagtawa sa aliw moment na ito ni Anne.
Kahit ang OOTD niya hindi nakaligtas sa mata ni Vice Ganda. Hirit nito sa kaibigan, “Sobrang arte. Yung dress ni Dahlia ginawang cropped top.”
Tuwang-tuwa naman ang mga manonood sa laugh trip moment ni Anne Curtis sa noontime show.
Tutukan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
BALIKAN ANG APPEARANCES NI ANNE CURTIS SA GMA SA GALLERY NA ITO: