GMA Logo nagbabagang luha characters
What's on TV

Pekeng pagbubuntis ni Cielo sa 'Nagbabagang Luha,' umani ng mahigit 2M views sa Facebook

Published October 4, 2021 1:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

nagbabagang luha characters


"Bagay [sa 'yo 'yan,] masyado [kang] malandi," reaksyon ng isang netizen tungkol sa pagbisto ni Monina sa pekeng pagbubuntis ni Cielo.

Umani ng mahigit one million views ang highlights video ng October 2, 2021 episode ng GMA afternoon drama na Nagbabagang Luha sa loob lamang ng isang araw.

Sa ngayon, mayroon ng 2.4 million views ang highlights video na naka-upload sa official Facebook page ng GMA.

Ang nasabing highlights video ay nagpapakita ng pagbisto ni Monina sa pekeng pagbubuntis ng best friend na si Cielo. Ginagampanan ni Karenina Haniel ang papel na Monina, samantalang si Claire Castro naman ay si Cielo.

Ito ay matapos makita ni Monina na dinudugo si Cielo na akala niya ay pregnancy spotting. Pero ang totoo, dinatnan si Cielo na pruweba na hindi talaga siya nagdadalang-tao.

Lalo pang napatunayan ni Monina na nagkukunwari lamang na preggy si Cielo nang makita niyang may dala itong sanitary napkin sa bag.

In fact, ang episode ay naging trending topic sa Twitter Philippines noong Sabado.

Naging tampulan ng galit at inis si Cielo dahil sa pagiging agresibo at kawalan ng delicadeza.

Sinabihan pa siya ng ilang netizens na "malandi" at pariwara ang buhay.

Nakatanggap din ng simpatya sina Maita at Alex mula sa netizens matapos sirain ni Cielo ang kanilang relasyon dahil sa attraction ng huli sa mister ng kanyang ate. Sina Maita at Alex ay binibigyang-buhay nina Glaiza De Castro at Rayver Cruz.

Ika ng isang netizen, "Grabe ah, nasira pagsasama nina Maita at Alex, pero peke lang pala pagbubuntis ng malanding 'yan."

Hirit pa ng isang netizen, sana ay maging daan si Monina para mabunyag kay Maita ang katotohanan tungkol sa kalagayan ni Cielo.

Ilaglag kaya ni Monina ang sariling kaibigan o mananatili itong tikom ang bibig? Iyan ang dapat abangan sa huling tatlong linggo ng Nagbabagang Luha.

Mapapanood ang Nagbabagang Luha mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA.

Samantala, kilalanin pa si Claire Castro, na binansagang bagong "Pantasya ng Bayan," sa gallery na ito: