GMA Logo John Feir and Pekto Nacua
What's on TV

Pekto Nacua at John Feir, nagbigay ng opinyon sa pagdami ng comedians online

By Maine Aquino
Published March 30, 2023 7:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

John Feir and Pekto Nacua


Inilahad nina Pekto Nacua at John Feir kung ano ang masasabi nila sa dumaraming comedians sa social media.

Diretsong sinagot nina Pekto Nacua at John Feir kung ano ang masasabi nila na parami na nang parami ang mga comedians na napapanood sa social media.

Ikinuwento nila sa host at kaibigan nilang si Paolo Contis sa Just In ang kanilang opinyon sa segment na Spit or Swallow. Sa segment na ito, ang ibig sabihin ng spit ay ayaw nila rito at ang swallow ay pabor sila sa topic na ito.

Unang nagsalita si Pekto tungkol sa kaniyang opinyon. Saad ng Kapuso comedian, "'Yung iba diyan mga kaibigan ko rin, mga kakilala ko na they're trying to make a show or a content. Siguro para mayroon silang earnings sa ginagawa nila."

Ani Pekto, hindi na maiiwasan ang pagdami ng comedians online at ang bilis ng pagsikat nila dahil nasa mundo na tayo ng digital.

"Ako puwede kong i-swallow 'yan kasi papunta na doon e. Hindi na natin puwede awatin sa social media, digital,” aniya.

Paliwanag naman ni Pekto, ang dahilan kung bakit siya ay "spit" sa ilan.

"Talent-wise, may mga ilang spit e. May mga ilan-ilan na spit."

Si John naman ay ipinaliwanag ang kanilang kinalakihan sa telebisyon bilang mga komedyante.

"Hindi naman sa ano, pero na-train tayo e. Ika nga ni Bitoy, serious comedian tayo. Kasi 'yung iba, ginagawa nila para sa kita lang. Ito, kailangan ko i-post sa YouTube para kumita ako. Pero 'yung laman hindi ganoon ka-juicy."

Dugtong pa ni John, "Hindi katulad ng kapag nasa network pinag-aralan e, sinala, bago ipalabas 'yan."

Sa kabilang banda, may magandang naidulot din ang social media sa mga aspiring comedians.

"Ang nakakatuwa naman sa social media, yung mga comedy doon, naging open e. So, ang tapang nilang magcreate. Parang ngayon ko lang nakita to ah."

Panoorin ang nakakatuwang episode na ito sa Just In: