GMA Logo Pepay and Kenjie Aguilar
Source: pepay_aguilar (IG)
What's Hot

Pepay Aguilar, ikinuwento ang magandang samahan nila ng biological son na si Kenjie

By Mark Joseph F. Carreon
Published November 11, 2026 5:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Agri damage due to El Niño reached nearly P10-B, says DA
Chika Cart: Pepay Aguilar, ikinuwento ang magandang samahan nila ng biological son na si Kenjie
The great AO3 shutdown of 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Pepay and Kenjie Aguilar


Isang proud na ama ang komedyanteng si Pepay Aguilar sa kaniyang anak na si Kenjie.

Masayang ibinahagi ng komedyanteng si Pepay Aguilar ang magandang samahan nila ng kaniyang biological son na si Kenjie sa kaniyang pagbisita sa episode ng Chika Cart noong Martes, Nobyembre 10.

Sa naturang episode, ipinagmalaki ng mga host na sina Baninay Bautista, Donita Nose, at Jeff Fernando kung gaano kaproud na ama si Pepay. Biro naman ng komedyante: “Actually, kapag naglalakad kami sa mall, napagkakamalan talaga kaming mag-jowa. 'Yun nga 'yung iniiwasan ko.”

Tinanong naman ng “Chika Beshy” na si Donita kung paano pinaliwanag ni Pepay sa kaniyang anak ang kaniyang pagkatao at ang trabaho bilang isang komedyante. Ayon kay Pepay, bata pa lamang si Kenji ay naipaintindi niya na sa kaniya ang kaniyang hanapbuhay.

“'Pag nakikita niya akong nagme-make up na, pinapaliwanag ko sa kanya na pupunta akong trabaho. Dada kasi ang tawag [niya] sa akin. [Sabi ko], 'Hindi si Dada magme-make up kung hindi pupunta ng trabaho,” pahayag ni Pepay.

“Simula maliit siya nakikita niya na akong ganon, kaya ngayon na 20 [years old] na siya, ang galing niya na magkabit ng false eyelashes,” pabiro pa niyang dagdag.

Bukod dito, ipinagmalaki rin ng komedyante ang mataas na respeto ng kaniyang anak sa LGBTQIA+ community, na natutunan nito dahil sa pagmamahal at paggalang sa kaniya bilang isang ama.

“Isa lang ang proud ako doon sa anak ko talaga, kapag nakakakita 'yon ng ibang bakla sa daan, alam na alam niya na hindi niya pwedeng bastusin 'yon kasi alam niya na ang tatay niya ay bakla,” ani Pepay.

Nang tanungin naman ng “Chika Influencer” na si Baninay tungkol sa ugnayan nila sa ina ni Kenjie, inamin ni Pepay na hindi na sila nagkikita nito. Gayunpaman, mananatili pa rin daw ang kaniyang pasasalamat sa kaniya.

“Parang blessing sa akin 'yung bata, 'yung nanay naman, blessing din naman kasi siya ang nagbigay ng buhay sa anak ko, pero hindi na kami nagkikita,” sabi ng komedyante.

Si Pepay ay isang kilalang Filipino stand-up comedian, performer, at vlogger. Madalas siyang mapanood sa mga kilalang comedy bars sa Pilipinas pati na rin sa iba't ibang TV shows, talk shows, at online comedy platforms.

Kamakailan, si Pepay ang tinanghal na grand winner sa celebrity edition ng “Miss Q&A Reyna Talak-Era” kung saan rumampa rin ang iba pang stand-up comedians tulad nina Iyah Mina, Donita Nose, Anton Diva, at Queen Dura.

Samantala, panoorin ang Chika Cart para sa hottest and trending showbiz stories. Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes, 5:15 p.m. hanggang 6:00 p.m. sa GTV, ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube at sa GMA Network TikTok account!

Mapapanood din ang catch-up episode sa Kapuso Stream tuwing 9:30 p.m.

Huwag din palampasin ang Chika Cart Add Pa More! tuwing 6:00 p.m. hanggang 6:30 p.m. sa ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube at sa GMA Network TikTok account.

Manatiling updated sa mga pinakabagong chika, exclusive content, at trending topics sa pamamagitan ng pagbisita sa opisyal na GMA Network website at social media pages ng Chika Cart:

Facebook: https://www.facebook.com/ChikaCartGTV

Instagram: https://www.instagram.com/chikacartgtv/

X: https://x.com/ChikaCartGTV

Related Gallery: Proud celebrity gay dads