GMA Logo Pepita Curtis and Ian Red
What's on TV

Pepita Curtis at Ian Red, nagwagi bilang grand champions sa 'The Cash: Celebration"

By Dianne Mariano
Published January 11, 2023 8:56 PM PHT
Updated January 15, 2023 11:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, shear line, easterlies to bring cloudy skies, rains on Monday
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Pepita Curtis and Ian Red


Balikan ang naging performance nina Pepita Curtis at Ian Red sa 'The Cash: Celebration' ng 'TBATS' DITO:

Noong nakaraang Linggo (January 8), napanood sa ika-200th episode ng TBATS ang pinakamatindi, pinakamasaya, at pinakabrutal na asaran sa kantahan na “The Cash: Celebration,” kung saan tampok ang iba't ibang popular dance tunes.

Ang anim na Cashers ay binubuo nina Betong Sumaya, Zephanie, Buboy Villar, Jennie Gabriel, Ian Red, at Pepita Curtis. Matatandaan din na nagbigay ng brutal ngunit nakakatawang mga komento ang Cashers sa bawat performance ng kanilang mga kalaban.

Sa episode na ito, mayroong twist na naganap dahil isang duet performance ang inihatid nina Pepita at Ian, at kinanta nila ang “Poker Face” ni Lady Gaga.

Matapos ang kanilang performance, nagbigay ng komento si Zephanie at sinabing sabog ang ipinakita ng dalawang komedyante sa stage. Ano kaya ang naging reaksyon nina Pepita at Ian? Alamin sa video na ito.

Nagpamalas din ng vocal prowess si Buboy Villar at inawit niya ang “Mr. Suave” ng bandang Parokya Ni Edgar habang kinanta naman ng Kapuso diva ang awitin ni Maymay Entrata na “Amakabogera.”

Anu-ano kaya ang mga komento ng kanilang mga kalaban?

Samantala, inawit ni Betong ang kantang “Toyang” ng bandang Eraserheads habang kinanta naman ni Jennie ang hit song ni Sia na “Chandelier.”

Kumusta kaya ang kanilang performances sa mga mata ng kapwa Cashers nila?

Bukod dito, bumisita rin sa TBATS ang dalawang award-winning Kapuso actors na sina Jeric Gonzales at Joaquin Domagoso, at sila ang nagbigay ng mga premyo sa winners ng “The Cash: Celebration.”

Upang malaman kung sino ang grand champion, ginamit nina TBATS host Boobay at Tekla ang Roleta ng Kapalaran.

Tinanghal si Jennie Gabriel bilang first runner up at nakatanggap siya ng kiss sa cheeks mula kay Joaquin. Sina Ian Red at Pepita Curtis naman ang mga nagwagi bilang grand champions at nakatanggap sila ng bouquet of cash mula kay Jeric.

Para sa tuloy-tuloy na tawanan at kulitan, subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

SAMANTALA, ALAMIN KUNG BAKIT KABILANG SINA BOOBAY AT TEKLA SA MGA NANGUNGUNA SA LARANGAN NG COMEDY SA GALLERY NA ITO.