
Ikinuwento ng Sparkle comedian na si Pepita Curtis ang kaniyang paghahanda sa Sparkle World Tour 2025.
Si Pepita ay isa sa mga artistang mapanood sa Sparkle World Tour na gaganapin na ngayong August 16 and 17 sa Toronto, Canada, in partnership with Taste of Manila. Sa August 29 to September 1 naman ang Sparkle World Tour sa Eau Claire Park, Calgary, in partnership with Fiesta Filipino. Samantala, ang GMA Pinoy TV na nagse-celebrate ng 20th anniversary ay ang proud media partner ngayong 2025 Sparkle World Tour.
Isinaad ni Pepita sa media conference ng Sparkle World Tour 2025 ang isa sa kaniyang paghahandang ginawa. Ani Pepita, "Nag-diet po ako for the tour."
Ayon kay Pepita, bahagi ng preparasyon niya ang mga na-experience niya sa pag-perform sa iba't ibang shows.
"Ang preparation talaga diyan ay 'yung experience mo sa pagpe-perform. Kaya ako, I'm very thankful sa Sparkle kasi from Sparkle tour Ilocos, Iloilo, 'yung mga regional, ngayon Sparkle Tour Canada na."
"Preparation ay dasal, confidence, at kaunting ligo," Biro pa ni Pepita.
Isa sa mga itinanong kay Pepita ay kung sino sa mga Sparkle artists ang pinaka-excited siyang makasama sa stage. Natatawang sagot niya, "Siyempre si Ruru."
"Siyempre silang lahat," paliwanag niya sa entertainment press.
Bahagi ng Sparkle World Tour 2025 ang Kapuso stars na sina Ruru Madrid, Kyline Alcantara, Aiai Delas Alas, Boobay at Pepita Curtis para i-entertain ang mga Pinoy sa Canada.
Ngayong August 15, nag-release ng official statement ang Sparkle na hindi na makakasama si Jessica Villarubin sa Sparkle World Tour 2025.
SAMANTALA, NARITO ANG MGA LARAWAN SA MEDIA CONFERENCE NG SPARKLE WORLD TOUR 2025: