
Mainit ang naging chikahan at kuwentuhan nina Boobay at Pepita Curtis sa online show nila na "Kalurks" sa YouLOL, kung saan pinag-usapan nila ang Top 7 shortest marriages in Philippine showbiz.
Isa sa mga natalakay nila ang hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica noong 2021.
Matatandaan na inamin ni Robin Padilla, ama ni Kylie, sa vlog ni Ogie Diaz na ini-upload noong July 7, 2021 nagkahiwalay na ang kanyang anak at si Aljur.
Opinyon ni Boobay sa nangyari sa dalawa,“Nakaka-ano 'yun pag nakita mo mismo, lalo 'pag fina-follow mo tapos mayroong dinadala sa IG Stories nila [na] 'di ba mga tinatawag nilang cryptic posts. Pahapyaw, pero hindi directly sinasabi na parang hiwalay na kami, pero alam mo, kasi ikaw mismo nagkaroon ka ng ganun experience, ganiyan.
“Parang ganun na nga hiwalay na daw sila.”
May juicy scoop naman si Pepita Curtis tungkol kay Aljur at nali-link sa kaniya na si AJ Raval. Ilang showbiz column at entertainment gossip ang diumano itinuturo si AJ bilang third party sa relasyon.
Sa isang Facebook post ng aktres, nilinaw niya ang mga naglalabasang tsismis tungkol sa kaniya.
Paliwanag ni AJ Raval, “JUST TO BE CLEAR, HINDI AKO ANG NAGING THIRD PARTY. OKAY GUYS? MABUTI AKONG TAO AT HINDI KO KAYANG GUMAWA NG MASAMA, KUNG MAKA BASH NAMAN KAYO PARANG NAKAPATAY AKO NG TAO HAHAHA.”
Kuwento ni Pepita, “May source kasi ako, alam mo 'yun. Parang mga common friends namin na nakikita talaga silang lumalabas together.
Sabat ni Boobay, “At nakita mo na rin daw silang dalawa?
Napaamin tuloy si Pepita, “Oo, Aljur nakita ko kayo [laughs].
Humirit ulit si Boobay ng tanong na: “Saan?”
“Basta diyan, Mars [points finger]. [Tomas] Morato,” ani Pepita.
Panoorin ang masarap at juicy na kuwentuhan sa Kalurks sa video below.