
Ngayong Linggo, tatlong magagaling na stand-up comics ang maghahatid ng saya kasama sina Boobay and Tekla sa The Boobay and Tekla Show.
Mapapanood dito ang talented singers at comediennes na sina Pepita Curtis, Tuesday Vargas, at Kitkat.
Maglalaban ang guest celebrities sa “Throwback Picture Quiz” kung saan kailangan nilang ma-identify ang ilang throwback photos ng celebrities. Haharap sa consequence ang matatalo sa nasabing laro.
Ipagdiriwang din ng TBATS ang kaarawan ni Boobay this Sunday. Makatatanggap ang seasoned comedian ng surprise video greeting mula sa isang taong malapit sa kaniyang puso. Sino kaya ito?
Isang sorpresa pa ang naghihintay para kay Boobay dahil babasahin nina Pepita, Tuesday, at Kitkat ang kaniyang juiciest private messages sa “Phone Raid.”
Huwag palampasin ang masayang episode ng The Boobay and Tekla Show mamayang 10:25 p.m. sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.