
Mapapasubo ang bida nating milyonaryo na si Pepito (Michael V.) nang makilala niya si Mr. Viola (Willie Nepomuceno) na may-ari ng isang vineyard sa La Union.
Makatanggi kaya si Pits sa potential business partner niya nang mag-alok ito ng inuman with his expensive wine, complete with the company of three pretty ladies na sina Patty, Charm at Lizzie?
Mukhang ngangamoy gulo ito lalo na kapag nalaman ni Elsa (Manilyn Reynes) na pumarty nang husto ang kanyang mister.
Masayang inuman lang kaya ang lahat o mauuwi sa malaking eskandalo ang magiging wine tasting ni Pepito kasama si Patrick (John Feir)?
Siguradong mapupuno ng tawanan ang Sabado ng gabi ninyo, mga Kapuso, with the award-winning sitcom Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento, this February 29, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.