GMA Logo Pepito Manaloto
What's on TV

Pepito Manaloto: Ano ang gagawin mo kung nasa isa kang complicated relationship?

By Aedrianne Acar
Published December 10, 2021 3:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto


Ano ba talaga Pepito (Sef Cadayona) at Elsa (Mikee Quintos)? Kayo na ba talaga? Alamin sa episode ng 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento' ngayong Sabado ng gabi (December 11).

Mas bongga ang kuwentuhan sa Season two ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento!

Mabigyang linaw na kaya nina Pepito (Sef Cadayona) at Elsa (Mikee Quintos) kung ano'ng status ng kanilang relasyon.

Mapigilan pa kaya ang dalawa ng terror auntie na si Tiyang Lena (Sherilyn Reyes-Tan)?

Source GMA Network

Source GMA Network

At itong si Aling Tarsing (Pokwang), hoping na maibalik ang init ng samahan nila ng kanyang sweetheart na si Mang Benny (Archie Alemania).

Pero 'tila ayaw na uling ma-fall ng tatay ni Pitoy. Paano na ang wish ni Tarsing na magkatuluyan sila ni Mang Benny?

May malaki ring problemang haharapin sina Pitoy at Elsa dahil aakalain ni Tiyang Lena na itinanan ni Pitoy ang dalaga. Naku, lagot!

Siksik ang tawanan at kilig na perfect bonding experience for the whole family ang panonood ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ngayong Sabado ng gabi (December 11) 6:15 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.