
Tandaan, vlog responsibly!
Mukhang sasablay ang gagawing pagpapaingay ni Patrick (John Feir) sa kaniyang vlog para sa “Drink & Win” promo ng PM Mineral Water.
Magugulat na lang si Pepito (Michael V.) at kasama niya sa kumpanya nang sandamakmak na tao ang nasa labas ng kanilang compound at hinihingi ang kanilang premyo!
Ano ba ang ginawa nitong BFF ni Pitoy?
Makahanap kaya sila ng solusyon sa malaking legal problem ng PM Mineral Water?
Best weekend ang naghihintay sa inyo kasama ang Manaloto family, lalo at special guests natin sina BJ Forbes, John Clifford, Vangeline Castillo, at Sophia Senoron.
Kaya manood na ng nakaka-“GV” na episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado (November 18) sa oras na 7:00 p.m., pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.